Kaso ng leptospirosis sa bansa, tumaas ngayong taon ayon sa DOH
Tumaas ang kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Health Spokesperson Dr. Eric Tayag, 910 na kaso ang nagkasakit ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 5 ngayong taon.
Mataas ito ng 71. 1 percent mula sa 523 na kaso na naitala naman noong nakalipas na taon.
Matatagpuan ang pinakamataas na bilang ng nagkakasakit ng leptospirosis sa National Capital Region kung saan umabot sa 172 na kaso, sa Davao Region 112, Western Visayas 98 at Central Luzon 80 kaso.
Pinakamarami namang nasawi dahil sa naturang sakit sa NCR – 22 , Ilocos Region-13, CALABARZON- 11 , Eastern Visayas – 10 at Western Visayas – 9.
Please follow and like us: