Pangulong Duterte, idineklarang ‘Day of Protest’ ang Setyembre 21
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sep. 21 bilang ‘Day of Protest’, at hindi holiday.
Giit pa ng Pangulo, ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa bansa ay maari ring lahukan ng sinuman sa mga grupo na kontra sa gobyerno.
Tiniyak din ni Duterte nahindi aarestuhin ang mga komunistang rebelde na lalahok sa nasabing protesta na hangga’t hindi nila nalalabag ang anumang batas.
Nangako rin ang Pangulo na magsasalita laban sa mababang suweldo at kawalan ng benepisyo ng mga government personnel sa araw ng paggunita sa Martial Law declaration.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga taga media na sumali sa protesta dahil sa mababang pasahod.
Ulat ni: Bea Miranda