Suspension ng trabaho at pasok sa mga pampublikong tanggapan at paaralan sa September 21 inanunsiyo na ng Malakanyang
Pormal nang inanunsiyo ng Malakanyang ang kanselasyon ng pasok sa mga public office at paaralan sa buong bansa sa September 21 araw ng Huwebes bilang “National Day of Protest”.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi special holiday sa September 21 kundi non working day lamang para makasama ang mga mamamayan sa mga isasagawang kilos protesta.
Ayon kay Abella maglalabas ng memorandum circular ang Office of the Executive Secretary para sa kanselasyon ng trabaho at pasok sa government offices at public schools sa buong bansa sa September 21 kasabay ng paggunita sa ika 45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong Marcos administration.
Inihayag ni Abella sa panig ng pribadong sektor nasa desisyon na ng mga may-ari ng kumpanya at pribadong paaralan kung magsususpinde ng pasok.
Ulat ni: Vic Somintac