Kaso laban sa mga negosyante at suspects sa pagpasok ng mahigit 800 kilo ng shabu na nasabat sa San Juan noong Disyembre, posibleng maibasura dahil sa ignorance of the law

 

May posibilidad na maibasura pa ang mga kaso laban sa mga negosyante at mga suspek sa pagpasok ng mahigit 800 kilo ng shabu na nasabat ng mga otoridad sa San Juan noong Disyembre dahil sa ignorance of the law.

Sa pagdinig ng blue ribbon committee, inamin ng mga opisyal ng Phil. Drug Enforcement Agency at National Bureau of Investigation na hindi pa rin nasisira ang mahigit walongdaang kilo ng shabu na nakumpiska ng mga otoridad.

Katunayan, sa halip na sunugin o sirain, pinaghatian pa ng PDEA at NBI ang kustodiya sa shabu.

Ang 800 kilo ng shabu ay napalusot din sa Bureau of Customs noong Disyembre tulad ng nangyari sa mahigit animnaraang kilo nmg shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos pero nasabat ito sa isang warehouse sa San Juan.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *