Transport Network Vehicle Service nagagamit na rin ng sindikato ng iligal na droga ayon sa PDEA
Ginagamit na rin ng mga sindikato ng iligal na droga ang Transport Network Vehicle Service para makapaghatid ng kanilang mga kontrabando.
Ito ang ibinunyag ni PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino makaraang maaresto ang online seller ng shabu na kinilalang si Jovet Atillano sa Mandaluyong City.
Nakuha sa naturang suspek ang iba’t ibang uri ng droga tulad ng shabu, valium tablets at party drugs na nagkakahalaga ng humigit kumulang 1.4 na milyong piso.
Ayon kay Aquino, partikular na ginagamit ng mga drug dealer ang Grab bike para makapaghatid ng droga kaya’t nakikipag-ugnayan na sila sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board hinggil dito.