Grupo ng kabataan sumugod sa DOJ para ipanawagan muli ang pagbibitiw ni Justice Sec. Aguirre

Kinalampag muli ng grupo ng mga kabataan ang DOJ para ipanawagan ang pagbibitiw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Nakasuot ng mga makukulay na wig ang mga miyembro ng grupong Youth Resist at millenials against dictators na kinabibilangan ng ilang estudyante mula sa UP, UE, UST, Miriam at University of Asia and the Pacific.

Bitbit ang mga placards nila sa tapat ng DOJ,  sigaw nila ang katagang ‘wig kang pasaway’ para ihirit ang pagre-resign ni aguirre bilang kalihim ng katarungan.

Giit nila hindi na dapat maging pasaway si Aguirre sa paglalabas ng mga fake news.

Ginagamit aniya ni Aguirre ang tanggapan nito para atakihin ang oposisyon gamit ang mga pekeng balita.

Kinurap na anila ng kalihim ang Justice system kaya marapat na magbitiw.

Kasabay nito, naghain ng panibagong petisyon sa DOJ ang youth groups na naglalaman ng anila’y labing-pitong libong lagda na nakalap nila sa change.org para bumaba na si Aguirre sa pwesto.

Ayon sa grupo, hindi na dapat hintayin ng kalihim na tanggalin siya sa posisyon ni Pangulong Duterte sa halip ay dapat itong magkusang-loob.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *