Senador Gringo Honasan, binasahan na ng sakdal sa kasong pork barrel scam
Nabasahan na ng sakdal sa Sandiganbayan 2nd division si Senador Gringo Honasan na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.
Ngunit tumangging maghain ng anumang plea si Honasan para sa dalawang bilang ng kasong graft kaugnay ng umanoy iregularidad sa paggamit ng pork barrel nito.
Dahil dito, ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa senador.
Nag-ugat ang kasong katiwalian ng senador sa paggugol ng mahigit 29 million pesos na pork barrel nitto noong 2012.
Padaan ni Senador Honasan ang pondong ito sa National Council of Muslim Filipinos at focus Development Goals Foundation para sa livelihood projects ng mga muslim sa Metro Manila at Zambales.
Hindi umano ito sumunod sa procurement laws dahil kinuha na bilang katuwang ang focus bago pa ito matukoy na karapatdapat sa programa.
Si Honasan ay ipinaaresto ng sandiganbayan noong August 11 pero nagbayad ito ng piyansang P60,000.00 sa Biñan, Laguna RTC.
Ulat ni Madelyn Villar-Moratillo