Dean ng UST Law at 20 iba pang abogado, sinampahan ng disbarment case sa Supreme Court
Ipinagharap ng disbarment case sa Korte Suprema sina UST Civil Law Dean Nilo Divina at dalawampung iba pang abogado ng Divina law office.
Ang disbarment complaint laban kina Divina at sa mga kasamang abogado sa law firm nito ay inihain ng asawa ni Comelec chairman Andres Bautista na si Patricia Bautista.
Nais ni Ginang Bautista na tanggalan ng lisensya bilang abogado sina Divina dahil sa anyay tiwaling ugnayan nito sa kanyang mister na paglabag sa code of professional responsibility ng mga abogado.
Nag-ugat ang reklamo sa nadiskbure ni Patricia na mga bank deposit at mga ari-arian ng asawa na hindi idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN noong 2016 na umaabot sa halos isang bilyong piso.
Ayon kay Bautista, nakatanggap ng mga komisyon ang kanyang mister mula sa Divina law dahil sa pag-asiste sa mga kliyente ng Divina law sa Comelec.
Ito ay batay sa mga nakita ni Patricia na mga tseke at commission sheets na inisyu ni Divina sa Comelec chair at sa mga kaanak nito.
Ang Divina law ay legal counsel ng smartmatic na technology provider sa mga nakaraang automated elections sa bansa.
Hindi isinama sa disbarment case ang Comelec chief dahil ito ay may immunity from suit sa pagiging impeachable official.
ulat ni Moira Encina