Oral arguments sa mga petisyon kontra sa one year extension ng martial law sa Mindanao , itinakda ng Supreme Court sa January 16 at 17

Nagpatawag ang Korte Suprema ng oral arguments sa mga petisyon na kumukwestyon sa constitutionality ng isang taong extension ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te, itinakda ng supreme court ang oral arguments sa Enero a- disi -sais ng alas-dos ng hapon at enero a- disi-siyete ng alas-dies ng umaga.

Pinagsusumite rin ng kataas-taasang hukuman ang lahat ng partido ng kani-kanilang memorandum hanggang enero a -bente ng ala-singko ng hapon.

Kasabay nito, iniutos din ng Korte Suprema na pagsamahin o i-consolidate ang dalawang petisyon na inihain kontra sa one-year martial law extension.

Ang unang petisyon ay inihain nina Albay Representative Edcel Lagman at mga human rights groups habang ang ikalawang petisyon ay isinampa ng mga militanteng kongresista at NUPL.

Pinagsusumite rin ng Supreme Court ang Malakanyang ng komento sa ikalawang petisyon ng hanggang sabado, Enero a-trese ng ala-singko ng hapon.

Kabilang sa mga respondents sa petisyon sina Pangulong Duterte, Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroong 30 araw ang Korte Suprema magmula nang ihain ang petisyon laban sa martial law extension para ito ay desisyunan.

Ang unang petisyon ay inihain noong December 27, 2017.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *