10 taong validity ng bagong passport, inilunsad na ng DFA
Inilunsad ngayon ng Department of Foreign Affairs ang bagong pasaporte na tatagal na ng sampung taon.
Ang launching ay pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas hinggil dito noong nakaraang taon.
Pero, nilinaw ng DFA na aplikable lang ang passport na may 10 years validity sa mga pinoy na may edad na 18 pataas.
Kailangan pa ring mag renew ng passport ang mga may edad na 18 years old pababa.
Pagkatapos ng launchig binuksan na ang online reservation ng DFA para sa mga nag aaplay ng pasaporte
Nauna nang inulan ng reklamo ang facebook page ng DFA dahil sa kawalan ng availability sa application kung saan ang mga mag aaplay ay maari pa umanong makapag pa schedule sa Marso
Ulat ni Meanne Corvera