Calatagan, Batangas at Jomalig, Quezon, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Calatagan sa Batangas kaninang umaga.

Ang pagyanig ay naitala sa 19 kilometrong Kanluran ng Calatagan.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, 99 na kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.

Samantala, makalipas ang ilang minuto, naitala naman ang magnitude 3.1 na lindol sa Jomalig, Quezon.

Naganap ang lindol alas-2:51 ng madaling-araw sa 80 kilometrong Hilaga ng Jomalig.

22 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic din ang pinagmulan.

Kapwa naman walang idinulot na pinsala ang dalawang pagyanig.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *