Publiko, pinag-iingat sa epekto sa kalusugan ng usok dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon
Nagpa-alala ang pamunuan ng Bicol Regional Training and Teaching hospital o BRTTH sa publiko na mag-ingat sa paglanghap ng abo dulot ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kat Dr. Butch Rivera, BRTTH Director, dapat proteksyunan lalu na ang mga residente sa mga lugar na nakapagtala ng ashfall sa pamamagitan ng paggamit ng face mask.
Kung wala naman aniyang face mask ay basain na lamang ang panyo o tela saka itakip sa bibig at ilong.
Maliban sa mga may respiratory ailment, pinag-iingat rin ang mga residente na nasa affected areas sa mga posibleng paso o injures lalu na at naobserbahan na ang Crater Glow sa Bulkan.
=== end ===