Albay posibleng isailalim sa state of calamity
Anumang oras ngayong araw ay posibleng ideklara ang state of calamity sa lalawigang sakop ni Albay Gov. Al Francis Bichara.
Kasunod pa rin ito ng pinangangambahang pagsabog ng Mt. Mayon sa naturang lalawigan.
Sa panayam ng radyo agila kay Albay Governor Bichara, sinabi nito na patuloy ang ginagawang paglilikas ng mga kinauukulan sa mga residenteng malapit sa paanan ng Mt. Mayon.
Nahihirapan din aniya sila dahil marami sa mga residenteng inililikas nila ay bumabalik din sa kanilang mga tahanan.
Ayon pa kay Bichara, medyo nahihirapan sila ngayon sa operasyon dahil sa makapal na ash fall na ibinabagsak ng bulkan sa dalawang bayan sa Albay.
Hindi rin aniya totoo na walang ibinibigay na relief assistance ang albay provincial government, ang totoo, may pagkain namang ibinibigay sa mga residenteng kanila nang inilikas.
“Nailikas na yung mga dapat ilikas, nga lang mayroon talagang mga matitigas ang ulo na bumabalik pa rin.
May mga choke point at security naman na checkpoint sa ibang lugar pero yung iba pumupuslit…” kumontak na rin kami sa ocd at dswd sa national gov’t kung pwedeng malalayan na rin kami.
May pagkain pa naman at may calamity fund pa naman na magagamit at mamaya ay magdedekalara ng state of calamity para covered na lahat para magamit na ang calamity fund nila. pero nakahanda na yung mga ibibigay namin sa kanila”