Pagdinig ng Senado sa isinusulong na Charter Change, nagsimula na
Nagsimula na ang pagdinig ng senado sa mga resolusyon at panukalang batas na nananawagan para mag convene ang senado bilang constituent assembly para amyendahan ang saligang batas.
Pero pagtiyak ni Senador Francis Pangilinan, Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments, walang balak ang senado na paspasan ang pagdinig sa mga panukala.
Ito’y kahit pa pumasa na sa kamara ang kaparehong resolusyon para da con-ass na nagsusulong ng amyenda o pagbabago sa 1987 Constitution.
Katwiran ng chairman, kailangang busisiin muna ang prosesong gagamitin.
Kabilang na rito ang Con-ass, Constitutional Convention at Peoples initiative.
Hindi rin aniya nila tututukan ang mga probisyon na kailangang amyendahan sa halip ipauubaya ito sa mga inimbitahang resource person o eksperto sa konstitusyon kabilang na ang mga dating Chief Justice ng korte suprema.
Pagtiyak rin ni Senador JV Ejercito, hindi nila ire- railroad ang anumang resolusyon o panukala sa ChaCha.
Bibgyan aniya nila ng pagkakaton ang lahat para sa malayang debate bago aprubahan ang chacha
=== end ===
Ulat ni Meanne Corvera