Pangulong Duterte sa media: “Maging makatotohanan sa pagbibigay ng balita at impormasyon sa publiko”.
Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang media organization na maging makatotohanan sa pagpapalabas ng balita.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya kontra sa pagbatikos ng media sa kanyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo ang kailangan lamang ay makatotohanan ang ilalabas na report lalo na kung ito ay akusasyon sa isang opisyal ng gobyerno.
Inihayag ng Pangulo kung hindi totoo ang ilalabas na balita tiyak na makakasira ito sa isang tao lalo na kung ito ay may pamilya na madadamay sa kahihiyan gamit ang trial by publicity.
Iginiit ng Pangulo na dapat pairalin ng media ang konsensiya para hindi makasira ng reputasyon ng isang tao.
=== end ===
Ulat ni Vic Somintac