Posibleng pagsabog ng Bulkang Mayon, hindi magiging kasing-lakas ng 1991 Mount Pinatubo eruption
Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na hindi magiging kasing-delikado ng Mount Pinatubo eruption noong 1991 ang posibleng pagsabog ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Phivolcs officer-in-charge Renato Solidum, less acidic ang Magma na ibinubuga ng Mayon.
Aniya, napakarahas ng magma ng Pinatubo dahil naiipon ang gas sa bulkan kaya sumambulat ito nang sumabog.
Sa kaso naman ng Mayon, nakakapaglabas ng gas ang Bulkan kaya hindi ito naiipon.
Nananatili naman sa Alert level 3 ang Bulkang Mayon.
=== end ===
Please follow and like us: