PhilHealth, may paalala sa mga pasyenteng dumaranas ng UTI, Acute Gastro-enteritis at Pneumonia
Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa mga pasyenteng naa-admit sa ospital dahil sa Pneumonia, Acute Gastro-enteritis o AGE at Urinary Tract Infection o UTI kaugnay ng kanilang social health insurance benefits.
Ayon sa PhilHealth, sa pamamagitan ng Philhealth board resolution no. 2215 series of 2017 at PhilHealth circular no. 2017-0028, ang length of stay sa anumang accredited facilities bilang basehan sa mga nasabing medical condition upang makakuha ng benepisyo ay kanila nang inaalis.
Ayon kay Dra. Celestina Ma. Jude Dela Serna, PhilHealth interim OIC, President at CEO, napagpasyahan ng Philhealth na alisin ang length of stay sa opsital ng mga pasyenteng may mga nasabing sakit dahil marami silang natatanggap na ulat na may mga pasyenteng pinahahaba ang kanilang pananatili sa pagamutan kaysa sa nararapat lamang na makuha na benepisyo.
Aniya, sa halip ay dadaan na sa pre-payment medical review ang claims n reimbursement para sa mga nasabing sakit at kailangang may maipakitang dokumento bago makuha ng pasyente ang kanilang social health insurance benefits.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===