Malakanyang, hindi iimbestigahan si Special Assistant to the President Bong Go sa isyu ng Influence peddling sa barko ng Philippine Navy

Wala nang balak ang Malakanyang na magsagawa ng sariling imbestigasyon para busisiin ang umanoy pagkakasanggot ni Special Assistant to the President Bong Go sa frigate deal ng Department of National Defense.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang nagsabi na hindi pinakialaman ni Go ang naturang kontrata.

Ayon kay Roque maging si dating Vice Admiral Ronald Joseph Mercado na rin ang nagsabi na hindi nakisawsaw si Go sa frigate deal.

Iginiit din ni Roque na napaso na rin ang bente kwatro oras na itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rappler na maglabas ng ebidensya na pinakialaman ni Go ang frigate deal para masibak ito sa puwesto.

Inihayag ni Roque dahil sa kabiguan ng Rappler na maglabas ng ebidensya lalong napatunayan na walang kinalaman si Go sa naturang kontrata.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *