EU, Australia at Korea, muling nagsumite ng kanilang credentials bilang pagsuporta sa Asean organization
Muling nagsumite ng kani-kanilang credentials ang Republic of Korea, European Union at Australia bilang pagpapakita ng suporta at muling pagpapatatag ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa Asean organization.
Ipinrisinta ni Ambassador of the Republic of Korea to Asean, Kim Young-Chae ang kanilang letter of credence kay Secretary-General of Asean na si Dato Lim Jock Hoi, ganundin sina Ambassador of the European Union to Asean Francisco Fontan at si Ambassador of Australia to Asean Elizabeth Jane Duke.
Kapwa naman nagpahayag ang tatlong ambassador na mananatili ang kanilang buong suporta sa Asean organization lalu na sa mga aspetong may kinalaman sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, pagkaban sa kahirapan, pagpapanatili ng Regional at Maritime security, peace and stability sa Asean region.
Lubos naman ang pasasalamat ni Asean Sec-Gen Dato Lim Jock Hoi sa ibinigay na suporta at tiwala ng mga Asean dialogue partners nito sa pagsusulong ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan sa ikapagtatamo ng regional prosperity sa Asean region.
Ulat ni Jet Hilario
=== end ===