Kontrata ng Meiscor service provider sa mga airport, pinakakansela na ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng bukas-bagahe
Ginawa ito ng Pangulo nang ipatawag niya sa Malago clubhouse ang mag- partner at personal na nakaharap ang mga ito.
Sinabi ng Pangulo sa mag-partner na sina Jovinal dela Cruz at Rosemarie Versoza na anuman ang nawala sa kanilang bagahe ay babayaran ng pamahalaan.
Ipinatawag din sa pagpupulong ang mga opisyal ng clark international airport at naia kasama si Department of Transportation o DOTR Secretary Arthur Tugade.
Sinermunan ng Pangulo ang mga opisyal ng airport at sinabihang kapag naulit pa ang ganitong insidente sa iba pang mga airport ay masisibak sila sa trabaho.
Pinagsabihan ng pangulo ang mga airport official na siguruhin lang na wala nang iba pang mga zipper ng bags ang mabubuksan kung hindi ay maghanap na sila ng ibang trabaho.
Kaugnay nito gusto na ring ipa terminate ng Pangulo ang kontrata ng MEISCOR na nangangasiwa sa mga bagahe ng mga pasahero sa lahat ng airport at maghanap na ng ibang service provider.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===