Digital Economy at Trade facilitation, prayoridad ng Singapore bilang host ng Asean summit ngayong taon

 

 

Pagtutuunan ng pansin ng Singapore sa kanilang pangunguna sa Asean summit ngayong taon ang Digital Economy at Trade facilitation.

Sa ilalim ng Digital economy, gagawa at magdedevelop ang Singapore ng e-commerce trade rules na inaasahang magpapagaan para madaling makapasok ang mga foreign investors sa Asean region.

Sa ilalim naman ng Trade facilitation, patuloy nitong itataguyod ang implementasyon ng Regional schemes at Asean single window for Customs facilitation and clearance at ang Asean wide self-certification regime.

Ang dalawa sa nabanggit ay kabilang sa 5 key areas of Economic concern na ilalahad ng Singapore sa mga susunod na buwan sa pagsasagawa ng serye ng mga ministerial meetings and summit.

Ilan pa sa mga posibleng talakayin at pag-usapan sa Singapore ay ang mga sumusunod:

  1. Services Integration and ease of Investment;
  2. Energy Security;
  3. at Pagpapalakas ng ugnayan sa Asean at sa kani-kanilang external partners

 

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *