Umano’y 100 milyong pisong Undeclared Bank statement nina Pangulong Duterte at Davao city mayor Sarah Duterte, kuwentong kutsero lang-Malakanyang

Tinawag ng Malakanyang na kuwentong kutsero o tsismis lamang ang akusasyon ng oposisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Davao City Mayor Sarah Duterte hinggil sa kanilang bank statement.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na luma na ang natirang akusasyon na ginamit na noon no Senador Antonio Trillanes laban sa pamilya Duterte.

Sa artikulo ng Vera files binanggit din sa report nito na bukod sa Presidente, bigo din umano na maideklara ni Davao City Mayor Sarah  ang isang daang milyong investment nito.

Hinamon  ni Roque ang mga kritiko na maglabas ng authenticated documents galing sa banko kalakip ang sertipikasyon na magsasabing genuine ang bank statement.

Ayon kay Roque kung mapapatunayan na ito ay totoo saka lang magbibigay ng komento ang Malakanyang pero hangga’t hearsay ang ibinabato sa Chief Executive maging kay Mayor Sarah hindi  papatulan  ang alegasyon.

Ang isyu ng umanoy tagong yaman ng Pangulo at ng kanyang pamilya ay patuloy na ibinabato ng mga kritiko  bilang pambara sa anti corruption campaign ng Duterte administration. 

Panahon pa ng kampanya ay inaakusahan na si Pangulong Duterte ng umanoy tagong yaman.

Ulat ni Vic Somintac

===end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *