Senado , pinarangalan ang mga sundalo na lumaban sa Marawi City

Binigyan ng pagkilala ng senado ang mga miyembro ng militar at pulisya
na nagsilbing mga bayani ng Marawi siege.

Inaprubahan ng senado ang resolusyon nina Risa Hontiveros, JV Ejercito
Vicente Tito Sotto III at Juan Miguel Zubiri na nagbibigay pugay at
parangal sa kabayanihang ipinamalas ng mga sundalo at pulis na
nagkipagbakbakan sa mga terorista sa Marawi city.

Kabilang na rito ang labinlimang sundalo na kabilang sa elite 3rd
Scout Ranger Battalion na pinamumunuan ni captain Aris Gerero at
Captain Jommel Ray Parreño.

Ang 3rd Scout Ranger Battalion ng Phllippine Army ang nakapatay kay
Esmilon Hapilon at Omar Maute na kapwa lider ng terroristang grupo.

Sinabi ni Hontiveros na nararapat lamang na kilalanin ng senado ang
katapangan ng mga sundalo at pulis na ibinuwis ang kanilang buhay para
lamang sa kapayapaan ng lugar.

Humanga rin si sotto dahil sa kabila aniya ng kakulangan sa kagamitang
pandigma nanalo sa digmaan ang tropa ng pamahalaan laban sa Maute
terrorist group.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *