Mga kongresista, pinayuhan ni Senador Lacson na magbasa ng konsitusyon bago ipursuge ang chacha
Tinawag na katawa-tawa at kaawa-awa ni Senador Ping Lacson ang mga
kongresista na ipinipilit ang charter change kahit walang inisyatibo
mula sa senado.
Pinayuhan pa ni Lacson si House Speaker Pantaleon Alvarez na magbasa
ng konstitusyon partikular na ang article 6 section 1 kung saan
malinaw na dapat ang kongreso o ang kamara at senado ang dapat na
gumawa ng anumang habkang para sa chacha.
Tila hindi kasi naintidihan ni Alvarez o ng mga kongresista na
ilan pa ay mga abugado ang kahulugan ng saligang batas.
Payo ni Lacson, malaya naman ang kamara na kumilos at isulong ang nais
nilang amyenda pero Malabo itong maisailalim sa plebesito kung walang
budget allotment na inaprubahan rin ng senado.
Ulat ni Meanne Corvera