Mga empleyado ng goberyeno na mahuhuling naglalaro sa casino, aarestuhin na ng mga pulis
Aarestuhin na ng mga pulis ang mga government official at mga empleyado ng gobyerno na mahuhuling maglalaro sa casino.
Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato dela Rosa”,itoy bilang pagsunod sa utos ng pangulo na paigtingin ay pagbabantay sa mga empleyado ng gobyerno na nagsusugal sa mga casino.
Kanina,pinangunahan ni Gen.Bato at ni PAGCOR Chairwoman Andrea Domingo ang ceremonial posting ng mga warning signage na isinagawa sa Solaire resort and casino sa Pasay city.
Nakasaad sa signage na ang babala sa lahat ng empleyado ng gobyerno na bawal silang pumasok sa mga casino dahil aarestuhin na sila ng mga pulis.
Nakatakdang ipakalat ang mga warning signage sa lahat ng casino sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.
Naniniwala si Gen.Bato na malaking tulong ang hakbang na ito para mabawasan ang korapsyon sa gobyerno na ang kadalasan na dahilan ay ang pagkalulon sa casino ng mga opisyal.
Binigyang diin din ng heneral na kasama ang mga pulis sa mahigpit na pinagbabawalan na pumasok sa casino.
Sinumam na mahuhuli ay nakatakdang nilang sampahan ng kasong criminal at kasong adminstratibo na maari nilang ikatanggal sa serbisyo.
Ayon naman kay Domingo,noon pa man ay marami na silang nakikitang opisyal nang gobyerno na naglalaro sa casino pero tila wala raw nangyayari kahit naireport na nila ang mga ito sa DILG.
Karamihan aniya sa kanilang mga nahuhuli ay mga congressman, mayor at mga baranggay officials.
Nagbabala rin ang PAGCOR sa mga casino na maaari silang maharap sa kasong kriminal oras na malaman nila na patuloy ang pagpapasok ng mga ito sa mga government official.
Ulat ni Mar Gabriel