Broadcast Journalism forum, pinangunahan ng Eagle Broadcasting Corporation
Dapat maging maingat sa pagtukoy ng mga balita na lumalabas sa mainstream media at social media.
Isa ito sa naging paksa ng isinagawang Broadcast Journalism forum sa pangunguna ng Eagle Broadcasting Corporation katuwang ang New Era University.
Kabilang sa mga resource speaker ay sina Atty. Tranquil Salvador III, Mr. Ferdie Maglalang, Ms. Joyce Panares, at Mr. Raffy Tima.
Tinalakay rin sa forum ang Media Laws & Ethics, Media & Social Relations, paggawa ng documentary news gamit ang makabagong teknolohiya.
Layunin ng aktibidad na ito na lalo pang magkaroon ng kabatiran ang mga tao kung paano matutukoy ng publiko ang tunay, wasto at totoong balita na naririnig at napapanood sa telebisyon at radyo.
Tinuruan din at nagbigay ng gabay ang mga resource speaker sa mga mag -aaral na kumukuha ng mga kursong Mass Communications, Broadcasting, at Journalism, gayundin sa mga kasama natin sa Media at Press industry kaugnay naman sa pagkuha, paggawa, pag analisa at pagpapahayag ng mga tunay at totoong balita na dapat malaman ng publiko.
=== end ===
Please follow and like us: