Over-all Deputy Ombudsman, kinasuhan na ng Office of the President dahil sa pagbibigay ng maling impormasyon sa Bank statement ni Pangulong Duterte

 

Pormal nang kinasuhan ng kasong administratibo ng  Office of the President  si overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.

Bunsod ito ng ginawang pagbubunyag ni Carandang ng umano’y bank statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit  ni Senador  Antonio Trillanes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kasong grave misconduct and grave dishonesty ang inihain laban kay Carandang. 

May nauna nang pahayag ang anti-money laundering council na tumatangging sa kanila galing ang mga dokumentong inilatag ni Carandang kaugnay ng umano’y bank transactions ni Pangulong Duterte. 

Iginiit  ni Roque na batay sa isinagawang imbestigasyon ng Office of the President napatunayan  na mali ang halagang isiniwalat ni Carandang na umano’y tagong yaman ng Pangulo kaya misleading ang paratang ng overall deputy ombudsman.

Kaugnay nito pinatawan  ng Office of the Executive Secretary ng 90 araw na preventive suspension si Carandang.

Ulat ni Vic Somintac

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *