Mga ambassador ng Italy, Argentina, China, Japan, Nigeria at Russia sa Asean, muling nagprisinta ng kanilang letter of credence kay Asean secretary Dato Lim Jock Hoi
Nagsumite na ng kani-kanilang Letter of Credence ang mga ambassador ng Italy, Argentina, Republic of China, Japan, Nigeria at Russia sa Asean bilang pagsuporta at muling pagpapatatag ng kani-kanilang pakikipag-ugnayan sa Asean organization.
Ang kani-kanilang letter of credence ay ipinrisinta kay Asean Secretary-General Dato Lim Jock Hoi.
Kapwa naman nagpahayag ang anim na ambassadors na mananatili ang kanilang buong suporta sa Asean organization lalu na sa mga aspetong may kinalaman sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, paglaban sa kahirapan, pagpapanatili ng Regional and Maritime security at peace and stability sa Asean region.
Lubos naman ang pasasalamat ni Asean Secretary General Dato Lim Jock Hoi sa ibinibigay na suporta at tiwala ng mga Asean dialogue partners nito sa pagsusulong ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan para sa Regional prosperity sa Asean region.
Ulat ni Jet Hilario
=== end ===