Mahigit 700 kilong karneng kontaminado, nakumpiska sa Mandaluyong City
Mahigit 700 kilo ng karne ng manok at baboy ang nakumpiska ng National Meat Inspection Service o NMIS sa dalawang pamilihan sa Mandaluyong city kaninang madaling-araw.
Unang isinagawa ng NMIS ang operasyon sa MCL Lucky market kung saan saku-sakong mga karne ng manok at baboy ang kanilang nakumpiska.
Sunod na pinuntahan ng grupo ng NMIS ang Kalentong market at dito nakumpiska ang mga frozen meat na baboy at manok.
Bago pa naman maitago ng mga tindero ang kanilang paninda ay nakumpiska na agad ito ng mga kinauukulan.
Ayon sa mga NMIS officials, ang nasabing mga karne na ibinebenta sa mga pamilihan sa Mandaluyong ay kontaminado na ng bakterya na makakasama sa kalusugan ng publiko.
Kinumpiska ng NMIS ang nasabing mga karne kahit pa may mga meat inspection certificate ang mga nagtitinda.
=== end ===