Dairy products, nagiging sanhi ng ilang uri ng sakit-ayon sa mga eksperto
Lahat ng sobra ay masama. Ito ang binibigyang-diin ng mga eksperto, lalung-lalu na kung ang pag-uusapan ay mga kinakain.
Masarap ang mga daity products gaya ng gatas, butter, cheese, cultured dairy gaya ng yogurt, sour creme, dips at mga frozen desserts gaya naman ng ice cream, cakes at iba pa na may dairy ingredients.
Ayon kay Chef Arlene Clemente, nutritionist ng Holistic Integrative care center o HICC, napakahalagang imino-monitor ang mga kinakain ipang makatiyak na hindi ito magdudulot ng pinsala sa kalusugan.
Sinabi pa ni Chef Clemente na kailangan ding limitahan ang pagkain ng karne lalu na ang red meat at ng mga dairy products dahil ito ay maaaring magdulot ng inflammation sa katawan.
“Kasi ang dairy po is one of the cause of inflammation. So yung mga pinples, yung medyo nag-gain ng weight, yung mga may stubborn fat, it’s because of dairy products. So if you remove it gradually, makukuha nyo rin yung mga ganung sakit”- Chef Arlene Clemente, HICC Nutritionist
Tandaan natin na ang pagkain ang nagdudulot ng kalusugan ng katawan ngunit ang pagkain din ang naaaring maging sanhi ng karamdaman.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===