Lingap at Gabay para sa mga maysakit, pakikinabangan ng “poorest of the poor”
Tiyak na ikatutuwa ng maraming mga Filipino ang programa ng gobyerno na tinawag na “poorest of the poor”.
Ito ay dahil sa libre na sa mga piling pampublikong ospital ang prosthetics, assistive devices, laboratory procedures at iba pang gamit pang medikal na dati ay kailangan pang bilhin ng pasyente bago sila gamutin.
Matatandaan na ang laging hinaing ng mga mahihirap na pasyente ay ang mahal na bayad sa laboratory, heringilya at gamit pang suwero na kailangan.
Ngayon, sa programang tinawag na lingap at gabay para sa maysakit, hindi na ito kailangang bayaran ng mahihirap na pasyente.
Maging ang gamot sa naturang programa ay libre ding ipagkakaloob sa mga maysakit.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===