Referendum para sa Charter Change sa May 2019, imposible na – Comelec
Imposible pa na maihabol sa Midterm elections sa 2019 ang
plebisito para sa pagsasagawa ng Charter Change kahit pa maaprubahan
ito ngayong taon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Comelec acting Chairman Christian Robert Lim, walang
inilaang budget ang Kongreso ngayong taon para sa paghahanda para sa
plebisito.
Kahit isama pa aniya ang pondo para sa refendum sa panukalang budget
para sa 2019, hindi pa rin kakayanin ng Comelec dahil aabutin ng anim
na buwan ang preparasyon para dito maliban na lamang kung magpapasa ng
supplemental budget ang kongreso.
Comelec acting chair Robert Lim:
“We will need 6 months to prepare about 2-3 months for public bidding kung bigyan kami ng exemption ng congress for public bidding maybe we can do it in 2-4 mos. Our problem is under the constitution we have conduct a plebiscite not earlier than 60 days nor later than 90 days so we have to comply public bidding wala ring budget”.
Paliwanag ni Lim, manual kasi ang magiging proseso ng referendum, kaya
kakailanganin nilang mag-import pa ng mga specially manufactured na
carbonless ballot paper para sa mga election returns.
Nauna nang sinabi ni House speaker Pantaleon Alvarez na target nilang
isabay ang referendum sa chacha sa midterm elections para tuluyan nang
umusad ang isinusulong na pagpapalit sa sistema ng gobyerno patungong
federalismo.
Samantala, kinumpirma ni lim itinalaga na si Commissioner Al Pareno
bilang acting chairman ng comelec pagkatapos ng kaniyang retirement
bukas.
Napagdesisyunan aniya ito sa en banc sesson ng comelec habang si
Director Teofisto Elnas Jr. na ang magiging Project manager director.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===