Consignee ng 6.4 bilyong pisong shabu shipment, arestado ng NBI sa Iloilo
Nadakip na ng National Bureau of Investigation o NBI ang itinuturong consignee ng 6.4 bilyong pisong shabu shipment na si Eirene Mae Tatad.
Ayon sa NBI, natimbog si tatad sa Iloilo kaninang umaga at nakatakdang dalhin sa NBI Headquarters sa Maynila ngayong araw.
Isa si Tatad ng EMT Trading sa mga ipinapaaresto ng hukuman dahil sa kasong importation na inihain ng DOJ.
Susunduin ng NBI Task force against illegal drugs si Tatad sa NAIA Terminal 2 para dalhin sa NBI main office.
Lulan si Tatad ng philippine airlines na inaasahang darating sa NAIA ng 11:55 ng umaga mamaya.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===
Please follow and like us: