Malakanyang, naniniwalang Korte Suprema lamang ang makakaresolba sa kuwestyon sa Suspension order kay Over-all Deputy Ombudsman Melchor Carandang
Tanging ang Korte Suprema lamang ang makakaresolba sa kuwestyon sa suspension order na ibinaba ng Office of the President kay Over-all Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hangga’t walang temporary restraining order, tuloy ang suspension order kay Carandang.
Ayon kay Roque, ang Pangulo ang pangunahing tagapagpatupad ng batas at lahat ng kaniyang aksyon ay may presumption o regularity maliban na lamang kung may kuwestyong ligal at lilinawin ng Korte Suprema.
Inihayag ni Roque na mas mabuting tumakbo na lamang sa Korte Suprema si Carandang para malinawan ang 2014 Supreme Court decision na nag-aalis ng Disciplinary jurisdiction ng Office of the President sa Deputy Ombudsman.
Tugon ito ng Malakanyang sa panukala ni Senate minority leader Franklin Drilon na dapat mamagitan na ang Korte Suprema sa gusot ng Malakanyang at Office of the President na nilikha ng Carandang suspension order.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===