Pinoy short film “Impas”, tampok sa Cefalu film festival sa Italy

Tampok ang Pinoy short film na “Impas” sa gaganaping film festival sa Palermo, Italy sa buwan ng Mayo.

Ito ang magsisilbing Italian premier para sa nasabing Ilonggo film na ipapalabas sa Cefalu film festival.

Ang Impas ay pinagbibidahan nina Tanya Lopez, Ivan Anthony Cabrera, Deigne Yanzel Carado at iba pa.

Isa sa mga producer nito ay nagsilbi ring direktor ng pelikula ay ang Ilonggo filmaker na si Elvert Bañares.

Ayonk ay Bañares, overwhelmed ito sa naabot ng nasabing pelikula na nagkaroon ng World premiere sa 16th festival de Cine de Pamplona sa Navarra, Spain at naipalabas na rin ito sa France,  Mexico, Cyprus, British Columbia, South Korea at Amerika.

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *