DOTR Secretary Tugade, dapat umanong ikunsidera na ang pagre-resign kung hindi magiging maayos ang MRT sa pagtatapos ng Pebrero-Sen. Grace Poe

Makabubuti umanong mag isip at pag aralan ni Transportation Secretary Arthur Tugade kung magbibitiw ito sa pwesto kapag hindi pa rin nasolusyunan ang problema sa Metro Rail Transit o MRT.

Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, si Tugade mismo ang nagbigay ng palugit na hanggang katapusan ng Pebrero ay maayos nito ang serbisyo sa mga tren oras na dumating ang mga biniling spare parts ng gobyerno.

Pero taliwas aniya ito sa nangyayari ngayon sa pampublikong transportasyon katunayan ay lalo pang nabawasan ang mga tumatakbong tren.

Dismayado na ang Senador dahil itinaas ng gobyerno ang singil sa pamasahe pero sa halip na umayos ang serbisyo, lumala pa ang pahirap sa mga pasahero.

Hinimok naman ni Poe ang gobyerno na tigilan na ang pagkukumpuni sa mga Dalian trains na binili ng Aquino administration sa China dahil masisira rin ito kung hindi compatible.

Makabubuti aniya na isauli na lang ito sa China at mag-oorder ng mga bago para mapakinabangan ng publiko.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *