Lead agency na mangangasiwa sa research sa Benham rise, ipinanukala ni Senador Angara

Inirekomenda ni Senador Sonny Angara na magtatag ng isang ahensya na mangangasiwa sa pananaliksik at pag-aaral sa Benham Rise.

Ayon kay Senador Angara, ito’y upang matiyak na mapoprotektahan ang karapatan ng Pilipinas sa naturang teritoryo,.

Sa Senate Bill 312 ni Angara, isinusulong nito ang pagbuo ng Benham Rise Development authority o BRDA.

Ayon kay Senador Angara ang BRDA ang magsisilbing opisyal na ahensyang bubuo ng mga polisiya, programa at iba’t ibang hakbang upang pormal nang linangin ang kabuuan ng Benham Rise.

BRDA ay bubuuin ng NEDA Director General bilang chairman, ang BRDA administrator naman ay itatalaga ng Pangulo bilang Vice-chairman at magsisilbing miyembro ang mga kalihim ng DENR, DOE, DA, DOST, DOF, DOT at tatlong representante mula sa pribadong sektor at NGOs.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

===  end  ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *