Pamilya ng Pinay caretaker na namatay sa lindol sa Taiwan, tatanggap ng tulong mula sa pamahalaang Pilipinas at Taiwan

Pagkakalooban ng tulong ng pamahalaang Pilipinas at Taiwan ang pamilya ng Pinay caretaker na namatay sa magnitude 6.4 na lindol sa Taiwan.

Ito ang tiniyak ni Labor secretary Silvestre Bello III.

Aniya, kahit hindi aktibong miyembro ng OWWA si Melody Albano Castro ay tatanggap ang pamilya nito ng death benefits na nagkakahalaga ng 200,000 piso at livelihood assistance na 50,000 piso.

Sakaling may anak din ang biktima, mayroon itong matatanggap na scholarship assistance mula sa OWWA na nagkakahalaga ng 10,000 piso kada taon kung ito ay nasa elementarya; 15,000 piso naman kada taon kung nasa high-school; at 20,000 piso naman kada taon kung nasa kolehiyo.

Bukod dito, sinabi rin ni Bello na makakakuha ng Incompulsory insurance ang pamilya ng Pinay na nagkakahalaga ng 15,000 Taiwan dollars; 500,000 Taiwan dollars na insurance naman ang sasagutin ng kaniyang Japanese employer.

Magbibigay rin ng 100,000 Taiwan dollars ang lokal na pamahalaan ng Hualien kung saan namatay si Castro sa lindol.

Nanawagan naman si Bello sa mga OFWs na tiyaking aktibo ang enrollment nila sa OWWA upang makatanggap sila ng full assistance mula sa gobyerno sakaling may mangyaring hindi kanais-nais.

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *