interconnection fee sa mga cellphone subscriber, pinatatanggal ni Senador Panfilo Lacson
Ipinatatanggal ni Senador Ping Lacson ang ipinataw na interconnection
charges ng mga telecommunications companies.
Sa kaniyang inihaing sente bill 1636 o panukalang amyenda sa lifetime
cellphone numer act, nais ni Lacson na alisin ang dagdag singil sa mga
calls at text.
Ang interconnection charges ay ang karagdagang singil na ipinapataw ng
mga telcos kung ang tawag o text ay hindi magkapareho ang network.
Sa kasalukuyan, dalawang piso at singkuwenta sentimos ang kinakaltas
sa bawat tawag habang 15 centavos sa kada text.
Sinabi ni Lacson na sobra-sobra na ang ipinapataw na singil ng mga
telcos dahil noong 2016 lang umabot na sa 806.9 million ang kanilang
nakolekta sa mga consumers sa interconnection fee sa text at tawag.
Ito ang dahilan kaya maraming subscribers ang nagtitiis sa iisang
network kahit pa masama ang kanilang serbisyo.
Ulat ni Meanne Corvera