“No Work No Pay” paiiralin sa Chinese New Year at People Power anniversary

Paiiralin sa February 16 at February 25 ang “no work, no pay,” para sa mga empleyeado sa pribadong sektor.

Ang February 16 na Chinese New Year at ang February 25 na anibersaryo ng EDSA People Power ay idineklarang Special Non-Working Day

Sa abiso ng DOLE, kung ang kawanu ay nagtrabaho sa mga nabanggit na petsa, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang arawang sahod.

Kapag nag-overtime, tatanggap naman ang empleyado ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nabanggit na araw.

Kapag day-off ng manggagawapero pumasok pa rin sa trabaho at tatanggap siya ng karagdang 50 percent ng kanyang sahod at kung nag-OT naman ay karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nabanggit na araw.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *