Mga pinangalanan ng China na bahagi ng Philippine Rise mahigpit na tinututulan ng Duterte Administration
Nagpahayag ng pagtutol ang Malakanyang sa ginawang pagpapangalan ng China sa limang undersea features o sa limang bahagi ng Philippine Rise.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi kinikilala ng Pilipinas ang mga pagpapangalan ng China sa 5 mahahalagang bahagi ng Philippine Rise.
Inatasan na ng palasyo ang embahada ng pilipinas sa Beijing na iparating ang pagtutol sa ginawa ng China.
Kinokonsidera din ng embahada sa Beijing na ipagbigay-alam ng Pilipinas ang pagtutol sa ginawa ng China sa chairman ng international hydrographic organization intergovernmental oceanographic commission general bathymetric chart of oceans sub-committee on undersea feature names.
Ang Pilipinas ay miembro ng sub-committee on undersea feature names na syang tumanggap sa rekomendsasyon ng China na pangalanan ang limang undersea features ng Benham Rise noong Oktubre ng 2015 at Setyembre ng 2017 sa brazil.
Kamakailan lang ay inaprubahan ng nasabing tanggapan ang pagpapangalan ng China sa limang mahahalagang bahagi ng Philippine Rise.
Ulat ni Vic Somintac