Kampanya ng Philippine Heart Center tungkol sa pangangalaga sa puso, lalu pang pinaiigting

 

Patuloy pa ring ginugunita ang Heart awareness month upang lalu pang maitaas ang kaalaman ng publiko tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat sa puso para maiwasan ang  maraming uri ng sakit sa puso.

Ayon sa Philippine Heart center, lalu nilang pinaiigting ang kampanya upang lubos na mapababa ang bilang ng mga pasyenteng namamatay dahil sa sakit sa puso.

Sa datos ng Department of Health o DOH, ang sakit sa puso pa rin ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng maraming mga Filipino.

Kaya naman panawagan ng Heart center sa publiko ngayong Heart Awareness month, lubos na pangalagaan ang puso.

 

Ulat ni Belle Surara

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *