Zero interest loan para sa mga sundalong nakipaglaban sa Marawi City, ipagkakaloob ng DTI

 

Magbibigay ng zero interst loan ang Department of Trade and Industry o DTI sa pamilya ng mga sundalong nakipaglaban sa Marawi City para pang-negosyo.

Ayon kay Trade secretary Ramon Lopez, kabilang sa mga bibigyan nila ng loan package ay ang pamilya ng mga nasawi at nasugatang sundalo na nakipaglaban sa mga teroristang Maute.

Kukunin ang nasabing pera sa inilaang pondo ng Duterte administration para sa mga MSME’s na nasa ilalim ng P-3 program ng kagawaran na nagkakahalaga ng 50 milyong piso.

Magagamit aniya nila ang nasabing salapi para sa pagsisimula ng kanilang munting negosyo na pangtustos sa kani-kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 43 loan applications ang inaprbahan ng DTI na nagkakahalaga ng aabot sa mahigit 2 milyong piso para pa rin sa mga pamilya ng sundalong nakipagbakbakan sa Marawi City.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

===  end  ===

 

.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *