Tatlong truck, nagkarambola sa Bagumbayan, Quezon City
Tatlong trak sa C5 Road, Libis, Barangay Bagumbayan, Quezon City ang nagkarambola kaninang madaling-araw.
Agad isinugod sa ospital ang isang driver matapos maipit sa minamanehong trak.
Ayon sa pahinante na si Marvin Solare, binabaybay nila ang C5 Road nang mawalan sila ng preno.
Tumigil na lamang sila matapos bumangga sa iba pang trak na nasa harapan at sa bilis ng takbo, umabot pa ang impact nito sa kasunod na trak na kapwa nakatigil malapit sa traffic light.
Ang banggaan ay nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko at kinailangan pang bombahin ng tubig ang kalsada dahil sa mga langis na nagkalat sa kalye.
Samantala, sa sinalpok naman ng 2 trak ang isang kotse sa Commonwealth avenue Q.C. kanina ring madaling-araw.
Sa paunang imbestigasyon, nag-swerving umano ang kotse ng may biglang sumalpok na trak dito.
Dahil dito, nagpa-ikot-ikot ang kotse hanggang sa sumalpok sa barrier ng ginagawang MRT-7 sa lugar.
Habang umiikot ang kotse, tinamaan pa ito ng isa pang trak.
Ligtas naman ang driver ng kotse at hindi rin nasugatan.
Ulat ni Earlo Bringas
=== end ===