Malakanyang, hindi muna naglabas ng opisyal na sagot sa pagkundena ng Kuwaiti government sa total ban sa mga OFWs
Hihintayin muna ng Malakanyang ang resulta ng pakikipagpulong ni Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano sa Ambassador ng Kuwait sa bansa.
Ayonkay Presidential spokesperson Harry Roque, inatasan ni Pangulong Duterte si Cayetano na kunin ang assurance ng Kuwaiti government para sa proteksyon ng mga ofws sa Kuwait.
Ayon kay Roque, malinaw ang posisyon ng Pangulo na hindi niya papayagan na mapahamak pa ang mga OFWs sa Kuwait sa kamay ng kanilang mga employer.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos kondenahin ng Kuwaiti foreign minister ang ipinatutupad ng Pilipinas na total ban sa mga OFWs dahil sa sunud-sunod na insidente ng pagmamaltrato sa mga Pinoy na ang pinakahuli ay ang pagkamatay ng isang Pinay household service worker na isinilid sa freezer.
Ulat ni Vic Somintac
=== end ===