Deputy Asean-Secretary General for political community, itinalaga sa Asean office of the Secretariat
Itinalaga bilang Deputy Asean Secretary-General for Political community ng Asean organization si Dr. Hoang Anh Tuan.
Si Tuan ay magsisilbing katuwang ni Asean secretary General Dato Lim Jock Hoi pagdating sa mga isyung may kinalaman sa implementasyon ng Asean political security community blueprint at sa pagpapalakas ng mga relasyong pampulitika sa mga dialogue partners nito.
Si Deputy General Tuan ay mula sa Vietnam at pinalitan niya si dating Deputy Secretary-General V.P. Hirubalan ng Singapore.
Bago naging Deputy Asean-General, nagsilbi muna si Tuan bilang Ambassador extraordinary and Plenipotentiary of Vietnam sa Papua New Guinea at Timor-Leste.
Mamamalagi si Tuan sa kaniyang puwesto sa loob ng 3 taon hanggang 2021.
Umaas naman si Sec-Gen. Lim Hock Joi na magagampanan ni Tuan ang kaniyang tungkulin na iniatang sa kaniya.
Ulat ni Jet Hilario
=== end ===