Epekto sa ekonomiya ng Deployment ban sa Kuwait, pinaiimbestigahan sa Senado
Maghahain na ng resolusyon si Senador Sherwin Gatchalian para paimbestigahan ang epekto sa ekononiya ng ipinatupad na deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay gatchalian, kasama sa aalamin ng senado kung may trabahong naghihintay sa libo -libong overseas filipino workers na pababalikin sa bansa.
Dapat aniyang linawin ng panahalaan kung iba-ban ang lahat pati na ng mga OFWs kahit hindi mga domestic helper na nagtatrabaho sa Kuwait.
Kung pauuwiin kasi aniya ang lahat ng ofw sa Kuwait posibleng umabot ito sa halos 300,000 na maaring hindi makakayang i-absorb ng gobyerno.
Pero aminado si Gatchalian na kailangang gumawa ng paraan ang gobyerno para tulungan ang mga mangagawang pinoy lalo na ang mga domestic workers para matigil na ang pangingibang bansa at maiwasan na maging biktima ng pagmamaltrato.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===