Technology investment, bibigyang prayoridad ng Singapore at Asean organization

 

Bibigyang prayoridad ngayong taon ng mga small and medium enterprise ng Singapore at Asean ang Technology investment sa rehiyon.

Batay sa lumabas na bagong survey ng United Overseas Bank o UOB, professional services firm and Consultancy dun ang Bradstreet, mahigit isanlibong Small medium enterprise o kabuuang 1,235 na mga malalaking bansa sa Asean gaya ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam ang nagpahayag ng kanilang plano na paghusayin at palakasin ang Technology investment sa Asean region at gusto rin nilang maging bahagi ng paglago ng ekonomiya sa rehiyon.

Pumalo naman sa 78 percent ng mga bansang nabanggit ang mas lalu pa nilang pinaghuhusay ang kanilang softwares, websites at pagbuo ng mga mobile apps habang pumapangalawa naman ang hardware and infrastructure investments na mayroong 65 percent.

Bukod sa Technology investment, karamihan din sa mga bansa sa Asean ang nagbabalak na palawakin ang kanilang pamumuhunan sa iba pang mga bansa sa mundo.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

===  end  ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *