Senador Trillanes, bigong idiin si Special Assistant to the President Bong Go sa navy frigates deal- ayon sa Malakanyang

Walang napatunayan si Senador Antonio Trillanes IV na nag-uugnay kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa isyu ng navy frigates project.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hinahamon ng Malakanyang si Senador Trillanes na maglabas ng ebidensiya laban kay Secretary Bong Go na nagpapatunay na pinanghimasukan niya ang Philippine Navy Frigate deal.

Ayon kay Roque nasaksihan ng publiko na sa pagtatanong ni Senador Trillanes kay Secretary Bong Go sa inbestigasyon ng Senado walang nailabas na ebidensiya ang Senador.

Inihayag ni Roque mismong si dating Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang nag-absuwelto kay Secretary Bong Go sa usapin ng Philippine Navy Frigates deal.

Kumbinsido naman si Roque na ang pagdadawit sa pangalan ni Secretary Bong Go ay kagagawan ng mga kritiko na nagnanais ibagsak ang Duterte administration dahil hindi na makapaghintay sa susunod na Presidential elections.

Niliwanag ni Roque na ang pagsuporta ng mga Cabinet officials kay Secretary Bong Go sa pagharap nito sa Senado ay boluntaryo at hindi ipinag-utos ni Pangulong Duterte.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

===  end  ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *