Mga nagkakasakit sa Albay, umabot na sa mahigit 9000

Uma

Umaabot na sa 9,273 ang bilang ng mga residente sa Albay na nagkakasakit simula nang mag-alburuto ang Bulkang Mayon noong Enero 15.

Sa tala ng Department of Health o DOH, pinakamaraming kaso sa mga nagpakonsulta ay Acute Respiratory infection na umabot sa 6,138.

Mahigit naman sa isanlibo ang may kaso ng lagnat, 672 naman ang may kaso ng Alta-presyon, 581 ang nakararanas ng Diarrhea at halos 400 naman ang nagksugat sa ilang parte ng katawan.

Ayon sa DOH, umabot na sa 31.6 milyong piso ang halaga ang logistical support na kanilang ipinagkaloob sa DOH Region 5.

Namahagi naman ang Department of Environment and Natural Resources o DENR ng 100,000 piraso ng mask sa lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *